Sabado, Nobyembre 7, 2015

MARANAO PATROL is the BEST among the rest.


Basic Leadership Training Course (BLTC). Maraming Salamat po sa Girl Scouts of the Philippines Nueva Ecija Council Cabanatuan City sa pagko-conduct ng ganitong activity. Malaking tulong po ito upang mas lalong maggrow ang aming kakayahan bilang isang isang indibidwal at isang magiging Leader.

Bagaman sa simula ng unang araw ng phase 1 ay nakaramdam kami ng pagkaantok habang kayo ay matiyagang nagsasalita sa harap namin. Hindi kayo nagpakita ng kawalan ng gana sa pagbibigay ng mga bagong kaalaman kundi lalo pa ninyo kaming tinutukan sa aming mga dapat malaman at maintindihan.

Sa tatlong araw ng phase 1 nakahanap kami ng mga bagong kaibigan na bagaman nagmula kami sa iba't ibang bahagi ng Nueva Ecija ay hindi ito naging hadlang upang makapagbigay kami ng tiwala sa kapwa namin Girs Scout. Mas lalong lumakas ang aming loob sa lahat ng hamon na ibinigay, mas naging matapang at nagkasundo-sundo kami dahil iisa lamang ang naging hangarin namin bilang Patrol Maranao. Sa isang pangkat kahit anong larangan pa man yan DAPAT MAY TIWALA SA ISA'T ISA dahil iyon ang magiging susi upang maging matagumpay ang hangarin ng bawat isa.

Kung ilalarawan ko ang mga pangyayari sa Phase 1. Masasabi kong naging makabuluhan sa rami ng natutunan ko. Masaya dahil sa mga tunay na taong nakasama ko at higit sa lahat nakatitiyak akong mauulit ang pagpunta ko para harapin ang phase 2 :)   



Girl Scout's Promise

On my honor, I will do my duty
to God and my country
to help other people at all times
and to live by the Girl Scout's Law 

Sabado, Oktubre 31, 2015

Dapit-hapon Sa Umaga (TULA)

DAPIT-HAPON SA UMAGA
12:51 AM 5/16/2014
leahlynduquillatomas


1
Sa gilid ng aking mata, ako ay may nahagip ng tingin.
Isang kabataang halos lahat ng bagay ay hindi pansin.
Sumubok akong lumapit upang siya'y kausapin,
Ngunit hindi ko alam ang dapat kong sabihin.
2
Nagpasya akong siya ay iwanan at layuan,
Subalit bakit hindi ko siya kayang talikuran.
'Di ko kilala ang babae na nasa aking harapan
Ngunit nakikita ko sa kanya ang aking katauhan.
3
Nanaig ang dapit-hapon sa umaga.
Humina ang loob at di na lumaban pa.
Napatalo sa pagsubok at 'di nagtiwala,
Sa DIOS na sa lahat ng bagay ay lumikha.
4
Nabakas ko ang kawalan ng pag-asa sa kabila ng kabataan.
Nagawang bumitiw sa mga bagay na dapat panghawakan,
Na tila ba buong daigdig ay pasan-pasan niya sa likuran
Sa pag-aakalang hindi na siya pinahahalagahan ninuman.
5
Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin
Upang hamigin ang kaniyang litong damdamin.
Basta't ang nais ko na lamang siya ay pangitiin
Bigyan ng payo upang puso at isip ay pagaanin.
6
Kanyang mga pangarap sa buhay ay aking sinariwa.
Dinamayan ko siya upang ipaabot na di siya nag-iisa
Sa mga pagsubok ng buhay saan man siya mapunta.
Nagawa kong palakasin ang nanghihimagot na bata.
7
Sa pagkakataong ito, kilalang-kilala ko na siya .
Ako nga, ang batang babae na sa salami'y nakikita.
Puno ng pag-asa't 'di kababakasan ng pagkabahala.
Na tanging alaala na lamang ang dapit-hapon sa umaga.

Todos Los Santos

Todos Los Santos...

Sa araw na ito, marami sa atin ang abalang-abala sa paglilinis at paggagayak ng puntod ng ating mga mahal sa buhay na namayapa na. sapagkat bukas ay November 1 na. parang kailan lang pero isang taon na naman pala muli ang lumipas. yung iba sa atin ngayon lang napagmuni na "oo nga pala" kasi bihira lang bumisita sa sementeryo. tulad ko... kapitbahay lang namin ang sementeryo at madalas kong madaanan sa pagpasok at pag-uwi. sabi nga, hindi man natin sila madalaw sa anumang kadahilanan ang mahalaga hindi sila nawawala sa puso at isipan natin. kasama ang alaala na palagi natin dadalhin saan man tayo magpunta.
Kaya kung may panahon ka bukas... dalawin na sila :)

Biyernes, Oktubre 16, 2015

Keep Holding On - Avril Lavigne (lyrics)

SAYO LAMANG (Tula)

SAYO
Leahlynduquillatomas
12/11/2014
7:55 PM

sa bawat araw na lumilipas,
umaasa ako na laging may darating na bukas.
dahil anuman ang pagsubok na aking pagdaanan,
alam kong may Dios na palagi lamang nariyan.

magkaminsay natatalo ako ng kalungkutan
magkaminsay nalilimutan kong ikay nariyan
ngunit kailanman pagsuko ay hindi ko laan
dahil pinaramdam mo saking hindi mo ako iiwan

alam kong walang perpekto sa mundong ito
baliktarin man ito ay hindi na magbabago
ngunit ito lamang ang tanging masasabi ko
ang perpektong lugar ay matatagpuan ko sayo

ikaw lamang ang natatanging kayamanan ko
sayo lamang sumasaya ang aking mundo
kung kayat wag mo sanang iwan tanging hiling ko

upang hindi maiwang nag-iisa at gulong-gulo

PARA SA AKING AMA (Tula)

PARA SA AKING AMA
7:41 pm / 7/14/15
leahlynduquillatomas

Ama, pangarap ay akin na pong nakamit
Ngunit sa’king dibdib ay may kaunting hinanakit
Sapagkat tagumpay ko’y di mo man lang nasilip
Mula nang ang iyong mga mata ay tuluyang maidlip.

Laksa-laksang pagsubok ay aking binata
Habang pinapahid ang pagdaloy ngmga luha
Kasabay ng pagdaranas ng mga hirap
Na kung buhay ka’y hindi ko malalasap

Marami akong nais gawin kasama ka
Mamasyal sa Baguio o di kaya’y Maynila.
Ang kasabay kang kumain kahit sa karinderya
Ikaw, si ina at mga kapatid ko ay sadyang mahalaga,

Kabutihan mo po sa’kin ay di ko lilimutin
Pagmamahal mo’y lagi kong nanamnamin
At mga payo mo po sa tuwina’y aalalahanin
Dahil yun na lang ang tangi mong pabaon sa’kin

Pagmamahal ko po sa inyo ni ina ay di magbabago
Dalawin man ako ng maraming alalahanin at bagyo
Sa tuwina’y aalalayan ang mga kapatid ko
Iyan ang natatanging pangako ko sa inyo.

Kailanman ay hindi ko tatanungin ang Dios
Kung bakit kinailangan maging ulila kaming lubos
Dahil hindi Niya hinayaang kami’y mamalimos
Malubog sa ilog ng kabiguan dahil sa malakas na unos.

Darating din ang panahon na muli tayong magkikita.
Mahahagkan, mayayakap at muling makakasama
Ikaw, ako at si ina ay muli masisilayang masaya
Sa panibagong daigdig na walang lumbay at payapa.